Pinagtibay ng Bureau of Customs (BOC) ang laban kontra droga matapos masabat ang 14 na parcel na naglalaman ng ₱56 milyong halaga ng ilegal na shabu, kush, at opium poppy sa isang warehouse dito sa Pasay.
Ayon sa BOC, galing pa sa Asia, Europe at US ang mga package. Nahuli sila sa X-ray at K9 check kasama ang PDEA.
Ang mga nakumpiska ay 7 kilong shabu, 6 kilong na kush/marijuana, 100 vape cartridges na may liquid marijuana at 8 kilong opium poppy.
Itinago raw sa water filter, speaker, at mga pagkain para makalusot.
“Sa mga puslitero ng droga, hindi kami magpapatinag. Mas pinaigting na namin ang monitoring,” babala ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno.
Nasa PDEA na lahat ng ebidensya para sa imbestigasyon. (Vito Barcelo Jr.)





