Natatandaan pa ba ninyo si Michael Sandico?
Si Michael Sandico na sumikat noong 70s at early 80s.
Bida sa pelikula si Michael kabilang ang “Alkitrang Dugo” ng NV Productions, “Gabun” at “High School Circa ‘65” ng Agrix Films, “Minsa’y Isang Gamu-Gamo” ng Premiere Productions, “Cain at Abel” ng Cine Suerte, Inc., “Noel San Miguel, Batang City Jail” ng GP Films at marami pang iba.
Sumakabilang-buhay si Michael kamakailan.
Ayon sa kanyang pamilya, mapayapa ang paglisan ng aktor. “He peacefully passed on his sleep sa Seattle, USA. Ilang taon rin niyang nilabanan ang sakit na diabetes,” pagbabalita ng peryodistang pampelikulang si Mell T. Navarro.
Sinabi ni Navarro na may zoom link na ipinasa ang pamilya ni Mike sa kanyang mga FB Friends na nagkaroon ng novena para sa kaligtasan ng kanyang kaluluwa.
He was 63. (Boy Villasanta)






