Isa sa pinakamalaking problema ng Pilipinas sa 2026 ay ang energy crisis. Dahil sa global oil issues, tumaas ang presyo ng fuel at electricity, na direktang nakaapekto sa negosyo.
Ayon sa reports, heavily dependent ang Pilipinas sa imported oil, kaya sensitibo ito sa global price changes.
Bukod dito, ang inflation ay tumaas din dahil sa mahal na fuel, na nakaapekto sa transport at production costs.
Dahil dito, maraming negosyo ang napilitang mag-adjust. Ang iba ay nagtaas ng presyo, pero hindi ito sustainable kung bababa ang demand.
Mas effective na strategy ang efficiency—pagbawas ng unnecessary expenses, paggamit ng energy-saving equipment, at pag-optimize ng operations.
Halimbawa, ang pag-adjust ng operating hours base sa peak times ay makakatulong sa pagtitipid sa kuryente at manpower.
Ngayong 2026, ang negosyo na marunong mag-manage ng resources ang may advantage. Hindi laging solusyon ang pagtaas ng presyo—madalas, efficiency ang pinaka-angkop na sagot sa pagharap sa mga krisis sa negosyo. JESSE C. ONG





