
By Boy Villasanta
Kung may pagkandili ka sa kapwa Filipino, hindi lamang sa mga standard na mamamayan, ang mga Indigenous Peoples (IPs) o katutubo ay dapat ding mahalin.
Magagalit ang ating mga ninuno pag hindi mo kinandli ang mga ka-tribu.
At kung mahal natin ang mga katutubo, tatangkilikin din natin ang kanilang mga produkto.
Ito ang isa sa mga pang-ekonomiya nilang puwersa.
Tulad na lang nang idispley ng mga T’boli, Dumagat Remontado, Ati, Tagalog, Ifugao at iba pa at ng kanilang mga cottage industry at mga imbensyon o nilikhang mga bagay para maging bukal ng pagkakakitaan.
Dahil apektado rin ng pambansang krisis ng pagmahal ng presyo ng mga bilihin, pagtaas ng presyo ng langis, pagsemplang ng ekonomiya ang lipunan ng mga katutubo kaya hindi tumataas ang kalidad ng buhay.
Para rin silang mga artista na konektado ang buhay sa sosyo-pulitikal, kultural at iba pang sangay ng buhay.
Kung nakita ninyo ang mga hilatsa at hitsura ng mga katutubo sa pagdiriwang ng Dayaw 2026 kung saan sinasaluduhan ang kakayahan ng mga IPs, ang kukulay at glamoroso ang mga kasuotan ng mga katutubo mula Aparri hanggang Jolo.
At bakit namin nasabing maningning at makislap din ang IPs?
Dahil, di ba, ginagaya at ipina-pattern din nh mga sosyal na fashion designer ang mga katutubong tabas, konsepto at kulay ng mga kasuotan ng mga katutubo?
Sino ngayon ang glamoroso at sosyal?
Di ba, ang mga katutubo ay natatangi rin dahil gjnagagad sila sa paglikha ng kanilang kasuotan?
May Muslim-inspired.
May Igorot-inspired.
May Maria Clara-inspired.
O, di ba, kasosyalan din?
Nang pumasok kami sa bulwagan ng Foro de Instramuros, nakaka-inspire ang kariktan at kaibhan ng mga katutubo.
Iba’t ibang kulay at adorno ang mga damit ng mga katutubo, bahag man o mahabang damit.
At ang mga produkto nilang kagamitan ay bunga ng kanilang kasipagan at pagkamalikhain.
May banig, palda, blusa, pagkain tulad ng atsara, buto ng pakwan o kasoy o mani, mga sibat, pinatuyong mga hayop, mga pluta, langis na mula sa halaman na nagpapagaling ng mga karamdaman at marami pang iba.
Pagpapakita talaga ng tradisyon at kultura ang mga likha at natural na handog ng kalikasan ang ginawang palengke ng Dayaw 2026.
At may kamurahan ang mga paninda.
Para rin itong tiangge na ginagawa ng mga artista—parehong pang-ekonomiya.
Kung sina Zanjoe Marudo o sinuman ay nagsusubasta ng kanilang mga kasangkapan o damit o kagamitan o sapatos at iba puwedeng itinda, showbiz na ahowbiz din.
Walang dapat ipag-alala ang mga IPs dahil hindi sila nag-iisa sa konsiderasyong pang-ekonomiya.
Pati mga taga-showbiz ay umaasa sa pagdaloy ng pera para mabuhay.
Kaya paano ang IPs ay ihihiwalay?
Naglalaro lamang sa P50 hanggang P200.00 ang karaniwang ibinibenta ng mga katutubo.
May kalidad ang mahal man o mura.
May mga lilibuhing piso pero praktikal.
Kaya ano pa ang hinihintay n’yo, shopping a sa mga iPs.







