Ipinahayag na ang Metro Manila Development Authority o MMDA at ng Metro Manila Film Festival Selection Committee ang huling apat na kalahok sa 2026 MMFF.
Ang mga ito ay ang “A Perfect Marriage” na nagtatampok kina Kim Chiu at Paulo Avelino mula sa Quantum Films sa direksyon ni Dan Villegas; “Los Salvajes Bravos na pinagbibidahan nina Romnick Sarmenta at Ruru Madrid mula sa JesCom Films mula sa direksyon ni Paolo Dy; “A Little Hope” na pinag-iistaran nina Yassi Pressman at Pepe Herrera mula sa Lonewolf Films sa direksyon ni Benedict Mique at “Seeds of Peace The Life of Fr. Rhoel D. Gallardo, CMF” na pinangungunahan ni Zaijian Jaranilla sa direksyon ni Rommel Galapia Ruiz mula sa RSVP Film Studios.
Ang nauna nang isinapublikong mga kalahok ay ang “The Greatest Showdown” nina Vic Sotto at Vice Ganda sa direksyon ni Jun Robles Lana; “2nd Miracle in Cell No. 7” nina Aga Muhlach at Zia Vigor mula sa direksyon ni Nuel Crisostomo Naval; “Amir” nina Dennis Trillo at Argus Aspiras sa direksyon ni Zig Dulay at “Haunted Carnival” nina Maricel Soriano at Julia Barretto sa direksyon ni Joey del Rosario.
Ipapalabas ang walong pelikula mula sa December 25, 2026 hanggang sa mga unang araw ng 2027. (Boy Villasanta)








