Ni Heidi Nicodemus
WIKA nga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa ilalim ng kanyang administrasyon, “walang maiiwan” tungo sa kaunlaran at katiwasayan, at ito ang tinutupad na adhikain ni Parañaque City mayor ‘Kuya’ Edwin Olivarez.
At sa pagpapalawig ng programa, isinama sa social amelioration program ng gobyerno maging ang mga middle-income family sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng bigas at iba pang mga pangangailangan ng mamamayan.
Ipinamahagi ang mga tulong at ayuda sa mga pribadong subdivision sa Parañaque, na ayon sa alkalde ay isa sa may pinakamalaking bilang sa buong bansa.
“Our middle class is the backbone of the City of Parañaque,” ani Olivarez sa wikang Ingles.
“They are the reason why we have become one of the most progressive local government units in the country, and it is our responsibility to help them cope during these difficult times,” sabi pa niya.
Naging mainit naman ang reaksyon ng mga tumanggap ng nasabing tulong mula sa pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Olivarez.
Ayon sa social media post ni Ginang Theresa Lopez Lubiano, malaking bagay ang tulong na naipapamahagi ng punong lungsod: “Heartfelt thanks from FBSANAI Kuya Mayor for your support to us. God bless you.”
Para naman kay Jomar Jalvez, “Many are being helped by the mayor . . .” at kay Aliza Lyn Navarro, “Good job sobra Kuya Edwin more more power and have a good health always po.”






