Kasabay ng paglago ng renewable energy ay ang pag-usbong ng battery energy storage systems (BESS), na ginagamit upang mag-imbak ng sobrang kuryenteng nalilikha ng solar at wind farms.
Dahil hindi tuloy-tuloy ang produksyon ng renewable energy, lumalaki ang pangangailangan sa malalaking baterya upang matiyak ang sapat na suplay ng kuryente kahit gabi o maulap ang panahon.
Ayon sa International Monetary Fund, malaki ang potensyal ng Pilipinas sa renewable energy, kabilang ang solar at wind, ngunit kinakailangan ng mas maraming storage facilities upang maging mas maaasahan ang power supply. (IMF eLibrary)
Nakikita ng mga industry observers na magiging mahalagang bahagi ng energy transition ang battery storage sa mga susunod na taon, kaya inaasahang dadami pa ang investments sa sektor. JESSE C. ONG






