Hindi lamang artificial intelligence ang lumalago ngayong 2026. Kasabay nito ang mabilis na pagdami ng data centers na nagsisilbing imbakan at processing hubs ng napakalaking dami ng digital information.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), maaaring umabot sa 1.5 gigawatts ang data center capacity ng Pilipinas pagsapit ng 2028 habang dumarami ang foreign investors na pumapasok sa bansa. (BusinessWorld Online)
Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang lumalawak na AI, cloud computing, fintech at e-commerce ang pangunahing nagtutulak sa demand para sa mga bagong data centers.
Dahil malakas ang konsumo ng mga ito sa kuryente, lumalaki rin ang pangangailangan sa renewable energy at battery storage.
Ayon sa Institute for Climate and Sustainable Cities, ang paglalagay ng data centers malapit sa renewable energy facilities ay makatutulong sa mas malinis at mas matatag na power supply para sa digital economy. (BusinessWorld Online)
Sa pagdami ng digital services, inaasahang magiging isa ang data center industry sa pinakamabilis lumaking investment sectors sa Pilipinas. JESSE C. ONG






