Maraming small businesses ang active na sa Facebook, TikTok at online marketplaces pero kapag oras na ng payment, balik pa rin sa complicated process. Sayang iyon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), digital transactions accounted for 57.4 percent ng total monthly retail payment volume at 59 percent ng value noong 2024.
Ipinapakita nito kung gaano kalaki ang naging shift ng consumers toward digital payment channels. (Bangko Sentral ng Pilipinas) Kaya kung may small business ka, hindi sapat na may social media page ka. Dapat makita rin at malaman din ng mga potential customer mo kung paano sila makakapagbayad nang mas madali.
Maglagay ng malinaw na payment instructions. Kung gumagamit ka ng QR payment, siguraduhing madaling makita at tama ang account details. Magbigay rin ng simple confirmation process para alam ng customer na natanggap na ang bayad.
Importante rin ang record-keeping. Huwag basta screenshot lang ng payment ang itago.
I-match ang transaction sa order number, customer name at amount para mas madaling ma-track ang sales.
Mas convenient ito para sa customer at mas madaling kontrolin ang cash flow ng business.
Sa 2026, ang digital presence ng isang negosyo ay hindi dapat tumigil sa “Makikita ako online.” Dapat umabot hanggang “Madali akong ka-transact online.”







