Nagtapos nitong araw ng Linggo ang German Film Festival o Kino Fest na kauna-unahang ginanap sa Greenhills GH Cinemas sa Greenhills.
Pinilahan ang opening film na “Rose,” isang German movie na tumatalakay sa isang dating sundalo na nagkunwaring lalaki.
Tinalakay sa pelikula ang isyu ng pagpapanggap at ang mga moral na isyu kaugnay rito.
Ang pelikula ay idinirek ni Markus Schleinzer at nagtampok sa mahusay na aktres na si Sandra Huller.
Ipinalabas ang “Rose” sa 76th Berlin International Film Festival noong Pebrero at napagwagihan ni Huller ang Silver Bear for Best Performance.
Ang filmfest na ito ay handog ng Goethe House. (Boy Villasanta)









