Hindi lamang kuryente ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng malalaking kumpanya.
Dahil sa epekto ng climate change at mas madalas na tagtuyot, dumarami rin ang mga negosyo na namumuhunan sa water recycling at water-saving technologies.
Mula sa manufacturing plants hanggang sa hotels at commercial buildings, lumalawak ang paggamit ng rainwater harvesting, wastewater treatment at water reuse systems upang mabawasan ang konsumo ng malinis na tubig.
Bukod sa pagtitipid sa gastos, nakatutulong din ito sa pagtugon sa environmental, social and governance (ESG) standards na mas binibigyang-halaga ng mga investors at financial institutions.
Naniniwala ang mga sustainability experts na ang water efficiency ay hindi na lamang usaping pangkalikasan kundi isa nang mahalagang business strategy upang mapanatiling matatag ang operasyon ng mga kumpanya sa harap ng lumalalang epekto ng climate change. JESSE C. ONG






